People's Barricade. The Information Center on the Spate of Demolitions in Metro Manila.

Latest

“Martial Law noon, nagpapatuloy hanggang ngayon”

Press Statement:

 

“Martial Law noon, nagpapatuloy hanggang ngayon”

 

Reference Person: Leah Valencia, Secretary General | 0921.9748372

September 20, 2012

 

Mairiin na kinokundena ng Kadamay NCR ang marahas na demolisyon na naganap sa Lawton Street Consular Gate 2, McKinley Hills Fort Bonifacio, Taguig City. Ngayong araw nakatakdang gibain ang 100 kabahayan at ikinulong ang 4 na residente na kung saan ay tanging nais lamang ay ipagtanggol ang kanilang tahanan. Dito rin nanirahan sa Diplomatic and Consular Area ang mga active at retired military ng gobyerno na kung saan ay nagsilbi sa bayan pero ito ang trato sa kanila ng BCDA sa tulong lokal pamahalaan kapalit ng kanilang serbisyo sa bayan kasama ng kanilang pamilya.

 

Nagiging kaugalian na ng mga magdedemolis na diployan ng kapulisan, maglagay ng bulldozer at backhoe ang mga komunidad na nagbabarika. Ipinapakita lamang nito kung gaano karahas ang paraan ng pamahalaan o pribadong sektor upang palayasin ang mga maralita sa mga lupang kinatitirikan ng kanilang munting tirahan para lamang pagtayuan ng mga nagtatayugang gusali ng mga dayuhang mamumuhunan.

 

Sa kabila ng mga naunang rekomendasyon ng namayapang si Secretary Robredo na ipagbawal ang mga kapulisan, bulldozer at backhoe sa mga demolisyon ay patuloy pa ring ginagamit ng mga pribadong sektor at lokal na pamahalaan ang ganitong kalakaran upang maghasik ng takot at gipitin ang mga residente na naninindigang lumaban para sa kanilang karapatan sa paninirahan at kabuhayan.

 

Isang araw bago ang paggunita ng Martial Law ay patuloy pa ring nagaganap ang malawakang paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan na naghahangad ng karapatan sa trabaho, tahanan at hustisyang panlipunan. Apat na dekada na ang nakakalipas simula ng manawagan ang mga lolo, lola, kamag-anak o mga magulang ng biktima ng batas military para sa pagkakamit ng mga batayang serbisyo at karapatan ay hindi pa rin nagbabago ang patakaran ng pamahalaan. Ang kanilang mga ipinapanawagan noon ay siya pa ring ipinapanawagan namin hanggang ngayon. Patunay lamang ito na kahit ilang beses na nagpalit ng pangulo ay hindi pa rin nito nasosolusyunan ang pundamental na suliranin ng mamamayan kaya naman hindi mapipigilan ang patuloy na paglaban ng mamamayan hanggang hindi natin nakakamtan ang batayang karapatan at napapalitan ang ganitong sistema na patuloy na nagpapahirap sa naming maralita at mamamayan.

 

Hindi kami tutol sa proyektong pangkaunlaran ng pamahalaan pero kung ang mga proyektong pangkaunlaran na iyan ay para lamang sa mga mayayaman at malalaking negosyante at patuloy na isinasantabi ang hinaing ng mga maralitang kagaya namin, diyan kami tutol.

 

Hinahamon namin ang bagong upong si DILG Secretary Mar Roxas sa kanyang unang araw bilang DILG Secretary ang una niyang asikasuhin ay ang pagpapatigil sa lahat ng mga demolisyon sa maralitang komunidad gaya ng nagaganap sa Taguig at iba pang lugar sa buong bansa.###

 Image

PANAGUTIN! ARESTUHIN!

Ang mga Barangay Tanod ng Barangay 105 Vitas Tondo, Maynila na sina Benjamin “Ben” Tejas at raffy tejas ay WANTED sa pagpatay kay MArilou Valle noong July 22, 2012. Sila ay nasa WANTED LIST sa SAMAR. Sangkot din sila sa kasong hijacking, robbery, hold-upat droga. sinuman ang makakita o nakakaalam sa kanilang pinagtataguan ay kontakin lamang si Supt. Alex Navarette ng MPD-PS1 sa 0929-3346925 o 253-6808. Mahigpit silang pinahuhuli ni MANILA Mayor Alfredo Lim
-POLICE Files TONITE/HATAW Agosto 17, 2012

 

Kuha ni Benjamin Tejas at Raffy Tejas

 

HOUSING AND HUMAN RIGHTS VIOLATIONS IN GUATEMALA ST., SAN ISIDRO, MAKATI

demolitionwatch

 

FORMAL COMPLAINT FORM

HOUSING AND HUMAN RIGHTSImage VIOLATIONS

 

  1. A.   Complainant

 

Organization’s Name:         Guatemala Neighborhood Organization

Representative/s:                 Lino Ojos

Mailing Address:                  2701 Guatemala St., Barangay San Isidro, Makati City

 

Nationality:                            Filipino

 

Telephone:                            +639193590179

 

 

  1. B.   Perpetrators

 

Name of party, institution, agency and individuals

 

  1. City Government Of Makati
  2. Barangay Council of San Isidro
  3. Makati City Engineer’s Office
  4. National Housing Authority
  5. Department of Interior and Local Government
  6. Philippine National Police
  7. Department of Social Welfare and Development
  8. Presidential Urban Poor Commission

 

  1. C.   Please check the Human Rights Violations

 

ü         the human right to adequate housing

ü         the human right to an adequate standard of living

ü         the human right to access to safe drinking water and sanitation

ü         the human right to the highest attainable standard of physical and mental health

ü         the human right to a safe and healthy environment

ü         the…

View original post 803 more words

Solusyon ni PNoy sa problema sa baha, pagpapasabog sa maralita.

Press Statement:

Reference Person:Leah Valencia, Secretary General-Kadamay NCR I 09219748372

 

Solusyon ni PNoy sa problema sa baha, pagpapasabog sa maralita.

 

Hindi nakitaan ng kaunting malasakit sa maralita si Pangulong Noynoy Aquino simula ng siya ay malulok sa pwesto kahit pa pakunwari niyang sinasabi na tayo ang “Boss” niya.  Agarang sinisi ng Malakanyang na ang maysala sa matinding pagbaha ng Metro Manila ay ang mga maralitang-lunsod dahil sila ang mga nakatira sa mga estero, kanal at mga tabing dagat. Sila rin ang pinagbibintangang nagtatapon ng trak-trak na basurang inanod ng baha sa Manila Bay.

 

Ang mas matindi pa, sa miting ng NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council) sa Malakanyang noong nakaraang Lunes ay tinukoy ng Malakanyang na ang malaking pinanggagalingan ng malawakang pagbaha ay ang mga maralitang-lunsod. Ayon kay Sec. Singson ng DPWH, “Kung nais natin na bigyang solusyon ang malawakang pagbaha, kailangan natin ng malalim na political will. Kung hindi aalis ang mga maralita sa kanilang mga tinitirikang bahay, pasasabugin namin ang kanilang mga kabahayan.”

 

Dapat kondenahin ng mamamayan ang pahayag na ito ng Malakanyang at ni Sec. Singson. Kalakhan sa mga naapektuhan at biktima ng matinding pagbaha ay mga maralitang nawasak ang kabuhayan at paninirahan. Sa datos ng Kadamay-NCR, aabot ng mahigit sa 200,000 pamilya ang naapektuhang maralita sa kalakhang Maynila pa lamang. Maliit na bahagi ito sa tinatayang 2 milyong pamilyang apektado sa 4 na rehiyon sa Luzon. Tayo na nga ang biktima at nangangailangan ngunit tayo pa rin ang patuloy na sinisisi ng rehimeng ito.

 

Isang sanhi ng pagdami ng basura sa Manila Bay ay ang pagpapahintulot ng Department of Environment and Natural Resources sa pagtatayo ng Obando, Bulacan Landfill kung saan ay nasa baybay dagat lamang ng Manila Bay na sa panahon ng tag-ulan ay hindi maiiwasang anurin ang basura at mapunta sa mga karatig nitong lugar. Hindimga maralitang-lunsod ang nagtatapon ng basura sa mga estero at sa Manila Bay, sa katunayan ang karamihan sa mga maralita ngayon ay nabubuhay na lamang sa pangangalakal, pamumulasi o pamumulot ng basura upang mapagkakitaan at bumuhay sa kanilang mga pamilya. Walang kapasidad ang mga maralitang bilhin ang mga plastik-plastik na produktong makikita sa mga basurahan dahil sa kaliitan ng kanilang kita.

 

Ang pagtatayo mismo ng mga floodway na gaya ng Manggahan, Napindan at Tripa De Galena floodway ang isang dahilan kung bakit lalong lumalala ang pagbaha sa Kalakhang Maynila. Pinipigilan nitong lumabas ang natural na daloy ng tubig mula sa Lawa ng Laguna dahil ayaw nilang magtuloy-tuloy ang tubig baha sa Ilog Pasig sa takot na bahain ang mismong Malakanyang.

 

Idagdag pa sa pagkakalabas ng Exec. Order #79 o ang Mining E.O, lalo lamang nitong pinatitindi ang pagsasamantala ng mga malalaking kompanya ng pagmimina para wasakin ang mga kabundukan at kagubatan sa paggamit ng “open pit mining”. Ito ang dahilan sa mabilis na pagragasa ng tubig baha mula sa mga kalbong kabundukan at naiipon ang tubig sa mga malalaking DAM na walang habas na nagpapakawala ng kanilang tubig kapag nasa kritikal na antas na.

 

Sa inilabas na pahayag ng Inquirer noong bagyong Gener, sinabi dito na ang isang mayor na dahilan ng pagbaha sa Marikina ay ang pagkakaroon ng mga malalaking istruktura na naitayo sa mga natural na daanang-tubig gaya ng Marikina River. Noong hindi pa naitatayo dito ang SM at Provident Village, hindi nakakaranas ng matinding pagbaha ang Marikina. Pinapalayas ang mga maralita sa mga tinatawag nilang “Danger Area” ngunit matapos silang palayasin ay tinatayuan naman ng mga naglalakihang imprastraktura o negosyo gaya na lamang ng dabu-dabu island na ngayon ay kinatatayuan ng SM Mall of Asia.

 

Malinaw sa pahayag na ito ng Malakanyang na gusto lamang niyang siguraduhin ang mabilisang pagpapatupad ng kanyang mga proyekto sa ngalan ng PPP (Public Private Partnership) tulad ng Manila Bay Reclamation Project na nasa ilalim ng National Reclamation Project. Isa sa mga rekisitos upang maipatupad ang naturang reklamasyon ay ang paglilinis ng mga waterways o estero kaya naman ganun na lamang ang kanyang pagmamadali na idemolis ang kabahayan ng mga maralita. Sa pagpapatupad nito lalo nitong palulubugin ang Metro Manila dahil sa pagbabara ng natural na daluyang-tubig at wawasak sa mga malalaking ilog gaya ng Pampanga River, Pasig River, Paranaque River, Las Pinas at Bacoor. Sinisira at sisirain nito ang natural na balanse ng ating ekosistema sa ngalan ng pakinabang ng kanyang mga mas pinapaborang malalaking negosyante gaya nina Lucio Tan, Henry Sy, Ayala, DMCI, Danding Cojuangco at iba pa, pinapayagan ni PNoy na tuluyang lunurin at patayin sa baha ang mga maralita.

 

Hindi umaayaw ang mga maralita na iwanan ang mga danger zone na kinatitirikan ng kanilang mga kabahayan, ang inaayawan ng mga maralita ay ang alisin sila sa kanilang mga kabuhayan at ilipat sa mga relocation site na unti-unting papatay sa kanila gaya ng naganap sa Kasiglahan Village, Southville 1 at Northville nito lamang panahon ng habagat.

 

Pilit niyang pinagtatakpan at inililihis ang mas malaking kasalanan niya sa mamamayan sa patuloy na pagpapabaya sa kanyang tungkulin bilang pangulo. Nalantad ang kawalang kahandaan at kakayahan nito sa mga ganitong klase ng kalamidad. Kahiya-hiya, palpak at anti-maralita ang isang pamahalaan na hindi man lamang kayang protektahan ang kanyang mamamayan sa panahon ng sakuna,  sa halip na kalingain sila sa panahon ng paghihirap at sakuna ay patuloy pang isinisisi.

 

Ang patuloy na pagpapanatili sa sadlak na kalagayan ng maralita ang patunay ng kanyang kriminal na kapabayaan at pag-abandona  ng pamahalaan sa kanyang mamamayan. Sa pagpapanatili nito ay patuloy na naiipon ang galit ng mamamayan.  Ang kinikimkim na galit ng mamamayan sa mahabang panahong pagtitiis sa kahirapan at kaapihan ay tiyak na magmimistulang bulkang sasabog anumang oras. Ang pagsabog na iyan ang dapat katakutan ng rehimeng ito. ###

 

Katarungan Kay Kasamang Marilou “Ka Malou” Valle! Tugisin, Arestuhin at Panagutin sina Benjamin “Ben” Tejas at Raffy Tejas!

Katarungan Kay Kasamang Marilou “Ka Malou” Valle!

Tugisin, Arestuhin at Panagutin sina Benjamin “Ben” Tejas at Raffy Tejas!

 

Si Marilou “Ka Malou” Valle ay isa sa pangunahing lider-maralita sa Sitio Damayan,Tondo, Maynila. Siya ang kinikilalang lider ng buong komunidad sa anumang isyu at usapin ng paninirahan. Naghahatid ng mga serbisyo katuwang ang kanilang lokal na Samahan sa Sitio Damayang Nananambakan ­(SSDN)- KADAMAY. Katuwang din siya ng mga taong simbahan sa pagbibigay ng mga tulong. Siya ang kagyat na nilalapitan ng mga residente upang humingi ng tulong sa pangangailangang medikal, at maraming iba pa. Maging ang DSWD ay naging katuwang siya sa pagsasakatuparan ng programa nitong 4P’s o Pamilyang Pantawid Pilipino Program, gayundin ang NHA ay kinikilala ang liderato ni Kasamang Marilou. Dekada na rin siyang naglilingkod sa kapwa niya maralita.

Binaril at napatay si Marilou Valle, 43 taong gulang sa harap mismo ng kanilang bahay noong Hulyo 22, 2012 bandang alas-5:30 ng hapon sa Sitio Damayan, Brgy 105. Tondo, Maynila isang araw bago ang SONA o State of the Nation Address ni Pnoy.  Buong araw na nag-imbita ang biktima sa mga kasapian nito upang lumahok sa pampulitikang pagkilos at demonstrasyon. Mamamalengke sana ang biktima upang may pagkain na dadalhin kinabukasan sa araw ng SONA. Inabangan ng mga suspek na sina Raffy Tejas at Benjamin “Ben” Tejas pawang mga Barangay Tanod at Purok Leader ng Barangay 105 pagkalabas ng bahay. Isa sa bandang kaliwang pisngi, kaliwang baba, kanang dibdib at kanang braso ang tama ng bala ng .45 baril. 

Sumunod naman na niransak at pinaputukan ang bahay ng pamilya ni Gerry Bacani, 64 taong gulang at kapatid ng biktima na si Marilou Valle bandang alas-8 ng gabi. Tinamaan ang mag-amang sina Gerry Bacani, may tama ng bala sa binti at paa samantalang si Ninoy Bacani, 20 taong gulang ay may tama sa binti na tumama sa buto. Nasa isang ospital sa Quezon City kasalukuyang nagpapagamot ang biktima. Nakatalon sa kabilang bahay at nakatakbo palabas ng komunidad si Gerry Bacani. Dumaan ito sa PCP Sub-Station 1 upang humingi ng tulong sa pulis subalit sinabihan lamang ito na magpa-ospital. Mag-isa lang ang biktima na nagtungo sa Tondo Medical Center upang magpagamot.

Bago ito, nagsampa si Marilou Valle kasama ang mga anak ng kasong grave threat, gun totting at child abuse sa Asst. City Prosecutor sa Manila Cityhall upang pormal na magreklamo sa mga suspek na sina Benjamin ”Ben” Tejas, Raffy Tejas, Conchita Tejas at Sonny Tejas. Ayon sa mga residente, kilala ang mga suspek sa komunidad sa gawaing kriminal at sangkot sa mga kaso ng panghoholdap, pagnanakaw, pananakit at sinasabing myembro ng sindikato. Malakas ang loob ng mga ito dahil protektado umano ng nasa otoridad.  Apat na beses nang nakapaglunsad ng preliminary investigation

sa tanggapan ni Asst. City Prosecutor Hon. Maria Roma Flor A. Ortiz. Nitong Hulyo 13 at 20 ngayong taon ang pinakahuling preliminary investigation na dinaluhan nina Marilou Valle at ang mga akusado. Sa dalawang huling naitakdang imbestigasyon, hindi na dumalo ang pangunahing suspek na sina Raffy Tejas at Benjamin “Ben” Tejas.

Pinag-ugatan ng hidwaan ang usaping pulitikal ng mamahagi ang mga lider ng KADAMAY sa erya ng mga polyetos hinggil sa paglilinaw ng isyu ng katiyakan sa paninirahan/demolisyon sa lugar. Maliban pa rito, nagsimula ang galit ng pamilya Tejas sa biktima ng matalo ang asawa ni Raffy Tejas na si Conchita Tejas nang tumakbo at matalo ito bilang Barangay Kagawad noong nakaraang Barangay Election. Ang biktima umano ang dahilan kung bakit ito natalo sa nakaraang eleksyon. Dito kinompronta ng pamilya Tejas ang pamilya ni Marilou Valle. Kaya’t sinugod ng pamilya Tejas ang bahay ni Marilou Valle. Naganap ang panunutok ng baril sa biktima gayundin sa mga anak nito na sina Marjorie, ang mga witness nitong sina George, 12 taong gulang  at Jomar, 16 taong gulang pawang mga minor de edad. Naganap ito noong Marso 4, 2012 bandang alas-5:30 din ng hapon sa loob ng kanilang bahay.                            

Naiwan ni Kasamang Marilou Valle ang kanyang 10 anak, 14 apo at ang asawa nito na si George de Jesus Sr. na aktibo rin sa samahan bilang lider at organisador sa ilalim ng KADAMAY- NCR. Araw din ng kaarawan ng kanyang asawa ang pagpatay kay Marilou Valle kahapon.

Si Kasamang Marilou “Ka Malou” Valle ay ika-8 na pinaslang sa National Capital Region sa ilalim ng rehimeng US-Aquino III. Isa sa balangkas ng Oplan Bayanihan ang paggamit nito ng mga bayarang maton at kriminal upang supilin ang mga mamamayang nakikibaka.

 Kagyat na Panawagan:                        

Arestuhin, Panagutin at ikulong ang mamamatay-tao at sindikatong sina Barangay Tanod Benjamin “Ben” Tejas at Raffy Tejas!

Isulong ang imbestigasyon ng barangay sa naganap na pagpaslang kay Marilou Valle.

Katarungan kay Kasamang Marilou “Ka Malou” Valle!  Itigil ang pamamaslang sa mga lider-maralita!

Katarungan sa lahat ng biktima ng extra-judicial killings! Itigil ang demolisyon!

Ilantad at Labanan ang Public-Private Partnership ni Pnoy!  Makibaka para sa Kalayaan at Demokrasya!                                   

 

KADAMAY-MANILAImage 

AGOSTO 10, 2012

12,000 Prisoners

A Radical's Nut

The country’s largest and most profitable firms are oblivious to the devastation being wrought by torrential rains on Metro Manila and various provinces in Luzon. Displaying barefaced greed, oil companies led by Petron Corp. hiked their pump prices, the fifth round in as many weeks since July. Then, the Manila Electric Co. (Meralco) announced a new increase in its generation charge this month. Also, the Business Process Outsourcing Association of the Philippines (BPAP) asked for an exemption from the work suspension order issued by Malacañang.

All these even as hundreds of thousands of mostly poor people are still struggling to survive the worst downpour since tropical storm Ondoy hit the country in 2009. According to the latest update (as of Aug.7, 5 p.m.) from the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), the heavy rains spawned by the southwest monsoon have submerged 46 cities and municipalities in Metro…

View original post 545 more words

Kilusang Bayanihan 2012

Let us all support for the urban poor communities affected of floods.

Relief goods like food, clothes, blankets, medicines and water.

For your support, you can drop it at #24B Cristobal Street, Arayat, Quezon City

Look for Mara Manalang or Kathelene Rebello

Please contact us at 09995724159 and 09061307195

And be a Volunteer!